A YOUNG TAUSUG MAN SPEAKS UP
by Zmira Layson
Ngayon karamihan sa amin hindi na aktib, yung iba nag-asawa na, nag-abroad, tapos yung pinakalider namin naisyuhan ng warrant of arrest, napilitang magtago. Pero iyong mga babaeng nakasama namin, nanduon pa rin. Among the women and men na inorganisa namin, ang natitira talaga ay ang mga babae. Sa experience ko on the ground, na-realize ko na mas matibay talaga ang mga babae kaysa sa mga lalaki.
Lunsad: Para sa iyo, ano ba ang dapat na Bangsamoro woman?
Wahid Kasiri: Ilabas niya ang kanyang kakayahan, at hindi papayag na gawing hindrance ang pagkababae niya para mag-participate sa lahat ng bagay, in all fields. Halimbawa, yung sa Qur’an mismo, sa Hadith, wala akong nakikitang babaeng nagi-interpret ng Qur-an, kaya kung makikita mo, yung mga translations ng Qur’an minsan ay masasabi nating maraming babaeng hindi nasa-satisfied, dahil ang nagta-translate ay puro na lang lalaki, walang babae. Bakit wala?
Lunsad: Di ba bawal sa babae iyon?
WK: Di puedeng maging bawal. Kung basahin n’yo ang Qur’an, kay Yusuf Ali, halimbawa, sinabi sa second or sa first page pa lang na it’s the responsibility of both men and women to read the Qur’an according to the capacity of their knowledge. Walang sinabi doon na di puwede ang babae.
Lunsad: Gaano ba ka popular ang ganitong pag-iisip?
WK: Hindi popular, di kasi masiyadong niri-recognize ang kakayahan ng mga babae. May pagka-macho pa rin. Kaya nga gawin nating popular.
Lunsad: Ikaw pa’no mo nakuha ang ganitong frame of mind?
WK: Out of realization sa actual situation. In early 2000, everyday, me patayan sa downtown Jolo, tinatapon ang patay doon sa malapit sa munisipyo, tapos, yung mga classmates ko sa hayskul, nagkikitakita kami at nag-uusap. Dun kami magkikitakita sa bahay nung isa naming kasama. Tapos later nagsasamasama ako sa rali, tulong sa human rights issue. Ngayon karamihan sa amin hindi na aktib, yung iba nag-asawa na, nag-abroad, tapos yung pinakalider namin naisyuhan ng warrant of arrest, napilitang magtago. Pero iyong mga babaeng nakasama namin, nanduon pa rin. Among the women and men na inorganisa namin, ang natitira talaga ay ang mga babae. Parang wake-up call ito sa mga Muslim. Ang tibay ng kababaihan parang matagal nang nakakalimutan.
Lunsad: Paano ma-maximize ang participation ng kababaihan?
WK: Una, sa organizing. Hirap kasi, minsan, maging ang mga babae mismo, tanggap nila na sila’y babae. O dahil babae lang sila, “hanggang dito lang kami, hanggang kusina lang kami”. Kaya dapat yata ang mga initiative para sa pagbabago, dapat sa babae din manggagaling. At sa mga lalaki din. Ang kailangan lang ay tao o grupo willing to organize them at mag-ikot para unti-unti lalabas iyong nakatagong lakas na iyon ng kababaihan.
Ngayon meron na tayong internet, madali nang gumawa ng publication, puwedeng puwede na. Ito’y mga tools para mamulat ang kababaihan sa pag-participate, isang bagay na dapat na i-welcome din ng kalalakihan.
Para sa akin, walang problema sa akin kung babae ang mag-lead. Gustong-gusto kong ma-maximize, ma-utilize ang capacity ng babae. Nakikita ko kasi ang titibay ng mga babae, especially sa human rights field. Sa experience ko on the ground, na-realize ko na mas matibay talaga ang mga babae kaysa sa mga lalaki. Mas magaling kumuha ng information, mas effective sa human rights work.
Lunsad: Bakit matibay?
WK: Matibay dahil nandiyan pa sila hanggang ngayon. Despite sa lahat ng harassments. Sa experience ko, marami kami sa umpisa, tapos unti-unti, nawawala. Iyong ibang mga lider namin, nilakad ng military at ng government para mapaalis sa Sulu mismo.
Ang iba, pinapaalis ng parents nila, ang iba nagtatrabaho na, lahat may kanya-kanyang dahilan. Pati ako kailangan kong umalis muna. Pero iyong mga kababaihan, pag-uwi ko nandoon pa rin, dedicated sa trabaho, ang iba kahit halos wala nang kahit alawans man lang.
Lunsad: May mga kababaihan rin ba sa inyo na kumu-question sa kanilang traditional role sa Bangsamoro society?
WK: Alam nila, pero okay lang sa kanila. Pero meron naman tayong na-organize na hanggang ngayon ay active pa rin, nandoon pa rin sa community. Sila iyong matatapang na nagbo-volunteer na pumunta sa site ng aerial bombing. Until now, these women volunteers are still active and organized. Na-recognize na ang capacity ng kababaihan sa ganitong mga bagay. Ang isang hindi ko makalimutan si Farida. Noong nag-impose ng ID system sa Sulu pagkatapos na i-declare ang emergency rule, ang sabi ni Governor Tan may ready funds na intended for the ID. Ang funds na binanggit niya ay P120 million. Tumayo si Farida, sabi niya, “Gov, kung ginamit mo na lang kaya para sa patubig ang funds na iyan, makakatulong ka pa sa mga consitutuents mo.” Remember, Governor iyon ha, hindi ordinary governor si Governor Tan, at babae ang nagsasalita. Nagulat si Gov, unexpected niya na may maglakas loob na babae, buntis pa.
Sa nakikita ko, lumalabas na unti-unti ang mga kababaihan ngayaon at sayang kapag di ipagpatuloy.
Lunsad: Nag-aarmas din ba ang mga babae sa Moro liberation movement?
WK: Meron silang ni-recruit na to the extent nag-aarmas pero para sa akin, pangdisplay lang iyon. Although may mga training din sila, pero kulang pa. Hindi na-maximize ang power ng kababaihan para mag-participate sa revolution. Meron pa ring pagka-macho. Kung babae ka, babae ka. Di ka puede doon, pang lalaki iyon.
Lunsad: Paano maximize?
WK: I-recognize talaga ang kanyang kakayahan. Kung makausap mo siya, treat her as equal, huwag iparamdam na may kaibahan, na babae lang siya, walang kakayahan. Kasi ang capacity ng knowledge, walang pagkakaiba, ma-babae man o ma-lalaki. Sa nakikita ko, pumupunta ako minsan sa mga kampo ng MNLF, may mga kababaihan pero wala sa kanilang umuupo at sumasali sa meeting. Kung meron man, hindi rin nagsasalita. Nandoon kaagad ang gap, parang may wall kaagad. Babae ka, lalaki ka. Sa nakikita ko, disadvantage iyon sa rebolusyon. Instead na makatulong at ma-maximize ang kakayahan ng babae sa pagkikilos, nagiging disadvantage siya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento