Readers Page
SA NAWAWALANG KULTURA
ni Alnasvier I. Abduljalil
Ang orihinal na titulo ng piyesang ito ay pinamagatang “Kultura, Nasaan Na?” at sinulat ni Alnasvier I. Abduljalil ng MSU-Sulu. Nakasaknong (in stanzas) ang bersiyon ng manunulat at ating nilimas at nilatag muli sa maiigsi na talata (in paragraphs).
Kung kultura lang ang pag-uusapan, kilala tayo sa buong daigdig. Sa musika, nasa atin na ang lahat: kawili-wiling mga tunog ng agung, kulintangan, gandang, tabungguh, gabbang, suling, at viola. Mga tunog at mga awit na nagsasalitsalit sa panapanahon. Mga liriko na nalikha mula sa katotohanan at hindi sa haka-haka, mga kuwentong mapapakinggan hatid ng kissa.
Kung tula at talinghaga naman ang pag-uusapan, mayroon tayong tarasul at daman, at sa pamamagitan ng gabbang, ating mapapakinggan ang kuwento ng ating kasaysayan. Mga kuwentong bayan o kata-kata, mga istoryang katawa-tawa. At alam ba natin kung sino ang bida? Eh di siyempre si Abunnawas, sino pa!
Eh! Kilala ba natin kung sino siya?
Pagdating naman sa kagamitan di rin papatalo. May mga sandata at pananggalang pa tayo mula ibabah hanggang ulo: kalis, barong, budjak, bunah o kaya’y bolo. May mga pananamit na dito lamang makikita sa Sulu. Lapi, kuput, sablay, sambra, biyatawi. May mga supa-supa, sabitan, pissiyabit, siyulatan at kambigasan.
Dagat ng Sulu nooy napakayaman. Kapag nasa laot kaaya-ayang tingnan. Mga sasakyang dagat paligsahan sa ganda. Lepa, adjung at banog ng mas malayang panahon na ngayo’y pinalitan na ng basnigan, timpil, lantsa, pumpboat at masansang na amoy ng hangin.
Ang mga Tausug nooy tinitingala sa ilalim ng pamamahala ng kagalang-galang na Sultan. Sakop nitoy napakalawak na kaharian, kasama na ang Zamboanga Peninsula, Tawi-tawi at Basilan, Hilagang Borneo at pati na ang Palawan. Hinangad na sakupin ng tagaibang bansa, ng mga Hapon at mga Amerikano, pati na rin ng taga-Espanya. Kalakalan naman ang hated ng Tsina.
Mayabong, magubat ang buong kapuluan. Mayaman sa prutas: santol, bauno, marang, wanni, buwahan, usaw, at mampallam. Hitik din sa tambis, butung, tamusun at duryan.
Sa pagkain, tanyag sa lahat ang tiyula sapih, at ang kanin ay binabalot sa dahon ng jatih. Sagana rin sa pyutu, byanban at siyanglag na mula sa panggih at nandiyan pa ang baulo, juwalan, pasong, panggi-panggi, bulha, hantak, at tumpung. Idagdag pa ang patulakan, palikambing, panyam, at durul. Pagkain noon ay iginagalang. Dapat may tutup kapag sa inihain sa hapag.
Ang mga pinuno ay higit na iginagalang. Tinataguriang bantunjang, maharajah, panglima, banwa, hatib, bilal, panday at imam, an gang pinakadinadakila sa lahat, ang datu at sultan. Sa halip na pamahalaang panlupon, andyan ang banwa, at sa halip na pamahalaang panlalawigan, andiyan ang maharajah. Panglima ang namumuno ng bawat probinsiya, na napapailalim naman sa Sulu Sultaniya.
Pinakamataas na posisyon pangbabae ang Dayang-dayang, na anak ng Panglima, Datu, o Sultan.Kung kalahati ang dugo, Putli ang tawag, na ang ibig sabihin ay dugong bughaw ang Ama, at ang Ina ay hindi. Kung malayo sa trono, ang tawag ay Sitti. Panday ang kasunod na posisyon sa bansang ikinubli at meron ding banwa sa pangkat ng babae. May mga pakil, o manglugu sa Mawludin Nabi. Langgal ang tawag sa masjid na sambahan, at ang may pinakamataas na posisyon ay ang Imam Muallam.
Kung minsan gusto kong ibalik ang panahon sa noon. Ilagay ang aking sarili kabilang sa kanila upang aking maramdaman ang tamis ng kultura. Nguni’t ako ay naririto na, sa mapait na ngayon, at wala nang maitanong kundi Nasaan na? Nasaan na ang ating nawawalang kultura.
recast by Salma Alawi, with help from Amil Nuraji
LANGUG SADJA
Otoh Waygadji
Local Media: Sir, unu in pikilan niyu pasal sin pagbaha na sadja halaum Tiangge?
Politician: A maraw, mausal na in kalamiti pands, awn na sab mahik ta makapami na sab in manga asawa ku siyuwlayan iban kusmitik.
Media: Laung sin engineer daing ha Japan, nagbangkat na kunu’ in dan ha Tiangge, iban sin waiy kanal.
Politician: Ayaw muna pahirita in manga Jipun yan, hangkan sa tibaw na sila sin tsunami, baytai in manga Jipun yan, magsukul na sila simikat in Lupag Sug pasal sin ‘longest road in the world’. Nakapas katan in projek proposal namu dan bangkat. Minsan ha hula’ nila bangkat da in dan manga pitu pangkat pa.
Media: Sir maraiy in pag yanun mu yan amuin paglalabayan train LRT.
Politician: Otoh, ku’nu pa awn baha’? Ganapan ta in projek proposal pol kalamiti pands. Pahiran taman kaw ba, pamayta sadja kaw bang ku’nu na sab awn baha’.
Media: Basta ikaw sir no problem.
Politician: Maluhay kaw tuud laung dahun magi sun-isun, hangkan takaw paburitu. Magkusul, Otoh!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)