by Salma Alawi
“Hindi sa wala kaming tiwala sa MNLF. Ang sabi ko, wala silang lakas para tulungan kami. Lalo na kapag ang kalaban mo ay mga pulitiko.”
Early this year Lunsad was able to interview Fatima, one of the survivors of the 2009 gang rapes in Sulu. It was a sad encounter. She did not want to talk; we wanted to talk. She would rather that the whole thing be buried behind her, it is much too painful to recall, she said. Her mother too would rather that we find for her a scholarship that would allow her to take up Midwifery so that she can perhaps work abroad as care giver and forget. Somehow we had our way: we talked, she talked, her mother talked. The following are excerpts from our exchanges.
Salma: Puwede mo bang ipaliwanag sa akin kung bakit ayaw mo nang mapag-usapan?
Fatima: Natatakot ako. Kasi baka maghiganti sila at madamay pa ang pamilya ko.
Salma: May nararamdaman ka bang galit sa nangyari sa iyo?
Fatima: Mayron. Gusto kong patayin silang lahat pero hindi ko magawa.
Salma: Kung may magboluntir na patayin sila hindi rin puwede, no? Baka patayin ang pamilya mo?
Fatima: Oo.
Salma: Wala kang kamag-anak na puwedeng maningil sa kanila?
Fatima: Mayroon naman kaya lang natatakot.
Salma: Oo, kasi mas makapangyarihan sila.
Fatima: Oo. Pulitik.
Salma: Oo. Totoo iyan. Buti hindi pumasok sa isip mo na... Sabagay wala namang MNLF na babae dito, no? Hindi ka nagkaisip magpatulong sa MNLF?
Inah: Wala silang power.
Salma: Laban sa mga pulitiko?
Salma: Pero di ba dati ginagawa iyan nila. Hindi ba, Reham? Di ba dati ang MNLF ginagawa iyan nila, kapag may nari-rape sila iyong tumutulong sa mga biktima? Ngayon hindi na nila ginagawa iyan?
Rehamna: Hindi na nila ginagawa. Siguro hinihintay lang din nila na may lumapit sa kanila.
Salma: Ba’t hindi kayo lumapit?
Rehamna: Hindi rin kami lumapit doon kasi hindi rin naman nila hinihingi na lumapit kami doon. Kung naghingi rin sila na lumapit kami doon, lumapit din kami.
Salma: A, oo.
Salma: (kay Inah) Bakit iyon, Inah?
Inah: Wala silang magawa.
Salma: Dahil hindi na kayo naniniwala na may power ang MNLF na tulungan kayo?
Inah: Bukun. Bukun way kami pangandul ha MNLF. In pagiyanun ku way sila kusug tumabang kamu. Labiawla na bang in atu mu, pulitik. Ha pangatud ku, way tuud mahinang sin mga MNLF.
Salma: Ganun? Mga revolutionary iyon sila e.
Inah: Way ra mahinang, Indah.
Salma: Way ra?
Rehamna: At saka ang pagkakaalam ko mga rebolusyunaryo iyan sila, hindi legal tulad natin.
Salma: (kay Fatima) Hindi ka naman binayaran para hindi magsalita?
Fatima: Hindi.
Salma: Dahil alam nila na hindi ka magsalita.
Inah: Minsan bayaran aku hangka milyon di nila mabalik in kasambuhan iban pagmartabat sin anak ku piyangusibaan nila.
Salma: Hindi rin kayo binayaran na...halimbawa, iyong parang bilang paghingi ng patawad.
Fatima: Wala.
Salma: Wala? Di ba sa Islam pag magkasala ka, magbibigay ka ng blood money at hihingi ng patawad. Di ba mayroong ganyan?
Fatima: Sara. (Justice system)
Inah: Way ku diya madtu pagimba pasal mabuga aku magbunuh.
Rehamna: Kasi ang kinatatakutan nila iyon bang ang maglaban-laban doon. Maggiyera ba. Mag-family feud.
Salma: Ah. Kasi kung magsumbong ka sa armado, giyera na. Labasan na ng mga baril.
Rehamna: Huon. Iyan kasi ang kinatatakutan nila. Hindi man sa wala silang tiwala.
Inah: Wala kaming kalaban-laban.
Rehamna: Iyan iyong kinatatakutan nila ba.
Salma: At saka mas marami ang mamamatay.
Inah: Huon. Marami silang pera, maraming baril, marami silang tau. Nah, wala kaming kalaban-laban. Kaya hindi ko ipinunta doon sa mga bukid, sa mga barangay. Makahati pa iyon in manga usba waris namu. Piyungpung ku kiyadtu ku paparinta.
Salma: So hindi alam ng mga usba waris ninyo sa gimba ang nangyari sa anak ninyo?
Inah: Ipinaliwanag ko sa kanila wala nangyari sa anak ko.
Salma: Sinabi ninyo na wala, hindi nangyari?
Rehamna: Akala ng iba. Pero iyong karamihan hindi nila alam.
Salma: Tapos kapag nagtatanong sila kung totoo ba sinasabi ninyo ang totoo?
Inah: Sinabi ko wala, ibinalik sadja sa akin.
Salma: Na hindi totoo.
Rehamna: Ah... hindi niya talaga sinabi ang nangyari, sinabi niya lang na kinidnap. Pinag-iingatan niya.
Fatima: Magbarilan.
Salma: A, oo, kasi may mga kamag-anak ang nanay mo, may mga lalaki na nagtanong kung totoo ba na kinidnap ka? Ganun?
Fatima: Huon.
Inah: Makaingat sila na kinidnap pero wala sila nakaingat sa naghapen.
Salma: Ah. Hindi sinabi na ni-rape.
Rehamna: Oo.
Salma: Oo. Kasi kung malaman nila maglalabas sila ng armas at maggigiyera.
Inah: Oo. At kung maglabas naman iyon sa kabila magputukan na.
Salma: Oo. Baka magkaubusan ng usba waris.
Inah: Kung magbunuh, na, wala kaming ibili ng baril. Kung mayroong taong namatay wala kaming ipanglibing.
Salma: Oo, totoo.
Rehamna: Oo, kasi relatives din nila, e.
Salma: Oo. Tama rin. Totoo ba iyong tatay mo gustong maghiram ng baril kay Abdul para patayin iyong nang-rape sa iyo? Magbus daw siya sinapang. Laung hi Abdul kaku, noong bago ka pa ibinalik nung mga nangkidnap sa iyo, gusto raw maghiram sinapang tatay mo.
Inah: Way ba.
Salma: Hindi totoo?
Inah: Hindi. In kay Abdul bang kami muga kadtuun kami sin manga tau pabay, awn kami ipanghali.
Salma: Ano daw?
Rehamna: Sabi niya, hindi sila humiram. Kasi siyempre natatakot din sila. Hindi sila naghiram ng baril.
Rehamna: Kasi natatakot sila na baka puntahan sila ng tao doon sa bahay, so ipapahiram niya, magpapahiram siya ng baril, pangdepensa.
Inah: Kasi ganyan ang mga Tausug.
Rehamna: Siya iyong nag-offer. Kung natatakot kayo, sabi niya.
Inah: Kung puntahan ka ba doon sa bahay, hiraman ku kamu para mayroon kamu ipanglaban.
Salma: A, ganun.
Inah: Miyuga aku.
Salma: Nagbago ba ang pagtingin mo sa sarili mo pagkatapos na nangyari iyon? Pakiramdam mo bumaba ang pagtingin mo sa sarili?
Fatima: Oo. Bumaba.
Salma: Talaga? Huwag naman. Hindi mo naman kasalanan iyon.
Inah: Isang buwan hindi siya lumalabas. Mahiya iyan siya sa tao Ma’am.
Sitti: Andami-daming nabibiktima hindi lang siya. Suwerte nga siya kasi nabuhay siya, e.
Inah: Siya lang ang binuhay!
Salma: Oo! Count yourself lucky!
Rehamna: Ayaw kaw magpikil mababa in pangatud mu ha baran mu, bukun mu iyan dusa.
Salma: Oo. Dapat sila ang mahiya! Iyan ang nakakainis ba. Ikaw na nga ang naagrabiyado ikaw pa ang mahiya. Huwag naman. Dapat sila ang mahiya.
Inah: Subay siya mataud na nakapangasubu kaniya ampa biya dimayawdayaw in pangatayan niya. Kasi nagtangis hadja. Di kumaun, di mag-unu, magmistang hadja aku napit adlaw mikit na in tiyan. Mistangan ku, kaun kaw nangku.
Rehamna: Sabi niya saka na gumaan ang pakiramdam niya noong marami na ang kumausap sa kanya.
Inah: Noong marami na ang nagtanong-tanong sa kanya.
Salma: Oo. Kaya tayo minsan hindi nagsasalita dahil akala natin mag-isa lang tayo. Akala natin mababa ang tingin ng tao sa atin.
Sitti: Oo. Kapag inilabas mo malalaman mo na hindi pala ikaw lang.
Salma: Malalaman mo na hindi ka pala nag-iisa sa ganoong sitwasyon!
Inah: Magtangis sadja siya. Laung ku, sari na. Bukun mu iyan tiyuud, Rehamna. Ayaw kaw masusa, mangi hadja, laung ku, bang kaw dimaplag, madtu kanila. Pag-ubus, siyuka kaw. Amo yadtu makasipug. Paggayan laung ku, wayruun mu ra tiyuud. Iban bukum mu iyan kabayaan. Misan laung ku in tau maas biya kamu way mahinang bang kabayaan nila.
Salma: Puwede ninyong ulitin, Inah?
Inah: Mag-iyak lang siya lagi. Sabi ko, huwag mo sisihin sarili mo, hindi mo iyan sinadya. Ang pangit kung ikaw ang nag-alok ng sarili mo sa kanila, tapos isinuka ka. Iyon ang nakakahiya. Hindi mo iyon sinadya. Kahit kami mga matatanda, sabi ko, kung gusto nila gawin sa amin iyon, wala kaming magagawa.
Sitti: Huun. Awn tuud dupang didtu ha Tanjung yusibaan sin manga drug addict. Dupang na, piyagtripan pa. Maas na. Piyatay ubus piyasisingkang. As if piyangusibaan tuud. Ampa malaas na, uban na ba in buhuk, maas na.
Rehamna: Meron nga isang matanda doon sa Tanjung, retarded ba, ginahasa ng mga drug addict.
Sitti: Matanda na, pinagtripan pa. Pinatay tapos pinabikaka. Brutal talaga pagreyp ba. Matanda na, puti na ba ang buhok, matanda na talaga.
Inah: Gabi at araw, walang kain, wala na iyan ginawa, umiiyak na lang at umiiyak. Walang pagkain..
Salma: Wala siyang ganang kumain.
Inah: Di siya makakaun. Awn pagkaun. Dahun madtu kaniya sah di siya makakaun. Laung niya, di ku inah, matun. Mabaya pa aku matay. Daipara laung niya Inah biyaun nakuan na in isip ku, nagdugaing na. Iban di ku na laung niya kaya patayun in sarili ku. Amun magdugsu aku. Malingkat pa laung niya magpapatay na aku makaminsan da. Laung ku, Ay, ayaw biyadtu.
Salma: Gusto na niya mamatay?
Inah: Dalhan ng pagkain, ayaw niya kumain. Sabi niya, Inah, hindi makadaan sa lalamunan ko ba, mas gugustuhin ko pang mamatay. Pagkaubus laung niya, mabuti na lang Inah, bumuti-buti na ang pag-iisip ko. Naiba na. Hindi ko na kayang patayin ang sarili ko, hindi ko na kayang saksakin ang sarili ko. Mabuti pa daw may magpatay sa kanya makaminsan lang. Sabi ko, ayaw biyadtu, Rayang.
Sitti: Huwag kang ganyan. Masarap mabuhay.
Inah: Di manjari yadtu. Bukun mu iyan dusa.
Rehamna: Oo. Hindi mo iyan kasalanan.
Sitti: Kasi, Kah, minsan kaw iyan magpakamatay bang dih itugbal sin Tuhan, di da kan mapatay. Iban pagpatay mu multad. Suwerte nga kaw.
Sitti: Kahit gusto mong magpakamatay, kung ayaw ng Diyos, hindi ka mamamatay. Kaya dapat strong kaw. Malay mu, awn mga taym ipaglanggal mu in nangnguwan kaymu. Awn sila manga inah, although biyaun di ipananampa kanila sin Tuhan pero awn taym ipananamdin sin tuhan in kiyananaman mu. Kasi in sara sin Tuhan, adil. Di siya magbalu in pag-adil niya. May araw na iparamdam din ng Tuhan sa mga nang-ano sa iyo ang nararamdaman mo ngayon.
Inah: Iban piyangayu ku ra suhud paTuhan bang man isab palabihun pa daying ha kiyananaman sin anak ku. Pagsukulan ku pa awlahutaala in manga yadtu didto amun paggiyanun nila hi Gasman (one of the rapists) hati niya nagbunuh na, nagpatay na, hati in manga anak hi Jikiri yaun, amun eleksiyun yaun nagpatay na, nagginis na iban wayna kawasa. Nagbinasa nabagbag in mata sin anak hi Jikiri. Nanangku lahilahaillawla tuhan ku dihili tuud kasusahan labi daing kamu.
Salma: Ano uli iyon?
Rehamna: Hihihingi raw niya sa Diyos na bigyan sila ng mas grabe pang paghihirap kaysa naranasan ng anak niya.
Inah: Nagpapasalamat ako sa Diyos sa mga nangyari at iyong si Gasman (one of the rapists), nakipaggiyera na, nakipagpatayan, tapos iyong anak ni Jikiri, noong last election, na, nagpatayan at kung ano-ano nang ang nangyari. Nakipag-away tapos nablack eye. Sabi ko, Ay Diyos Ko Na Mahabagin, bigyan Nyo pa sila ng marami pang problema na mas malaki pa kaysa sa binigay nila sa amin.
Sitti: Wayna hi Jikiri, nagkangingi na. Kasi iyong last election natalo sila, nagbunuh talaga, bayolente talaga tapos nasira iyong mata ng anak ni Jikiri. Wayna hi Jikiri. Sirang-sira na talaga.
Inah: Piyagkakal in u sin lansang.
Rehamna: Pinukpuk ang ulo ng kahoy na may pako.
Sitti: Pagkatapus in terms of power wala na sila. Dalawang pamilya na ang nasira.
Salma: So lahat ng mga lalaki na nangreyp sa iyo kilala mo?
Inah: Di niya kaingatan san sakarang pa bihaun.
Rehamna: Hindi niya alam hanggang ngayon.
Sitti: Dalawang pamilya iyong nangbiktima sa kanya.
Inah: In kaibanan di niya kilala.
Salma: Ang iba hindi niya kilala.
Sitti: Hindi niya kilala pero may source din kami.
Salma: Pero di ba iyong naka-ponytail...di ba nahuli iyon, nakulong iyon? Pinakawalan din?
Sitti: Pinakawalan iyong isa.
Salma: Iyong naka-ponytail?
Sitti: Nag-istori hi Abdul in agi sin Inah di aku muwi dih bang di ku mara in anak ku.
Rehamna: Ang sabi nung nanay (ng isa sa mga suspek), di ako uuwi hangga’t hindi ko nadala ang anak ko.
Salma: Naidentify mo iyong naka-ponytail.
Sitti: May dalang baril ang nanay. Basta mga politicians may mga security.
Salma: Kaninong nanay iyon?
Sitti: Nanay ng naka-ponytail.
Salma: Bakit ano iyon, politician? Di ba may babae doon na naglabas ng baril sa bag niya, sino iyon.
Sitti: Iyon na nga.
Salma: Nanay ng naka-ponytail?
Sitti: Oo.
Rehamna: Nanay ni Buclao.
Inah: In nakaidentify sin anak hi Buclao dugaing. Dugaing babai. Dalawa sila iyong nabiktim doon sa munisipal.
Sitti: Duha ba yadtu sila nagdura?
Inah: Iyong isang babae, in na-identify niya anak hi Buclao.
Sitti: Amun nasagkaw?
Rehamna: Iyong hindi na-rape.
Sitti: Iyong nakatakbo.
Rehamna: Iyong kinukuwento niya na pati iyong driver nagma-masturbate at saka nakahubad daw lahat. Pagsakay daw niya nakahubad na lahat. Hinila siya diyan sa Busbus at ipinasok sa van. Tapos pagpasok niya sa van nakahubad na iyong mga lalaki, pati iyong driver, nagmamasturbate pa.
Inah: Inano siya sa likod. Ginanyan.
Salma: Itinapon sa [backseat]?
Inah: Oo.[
Sitti: Malaking van siya.
Inah: Lahat ng katawan niya naano na ng mga lalaki.
Sitti: Sabi ni Abdul six.
Fatima: Siyam.
Sitti: Sinabi niya daw hindi siya na-rape pero lahat ng parte ng katawan na-touch except iyong pinasukan ng ari.
Inah: Siyam yadtu nag-ano sa kanya.
Salma: Madumi iyong mga kamay nila.
Sitti: Pagbukas ng dyip nagtakbo siya. Hindi makahabol iyong mga rapist kasi nakahubad. Iyong hindi lang nakahubad iyong bumaba sa bahay dahil may kukunin. Tapos tumakbo talaga siya. Nang nakita nung nanay, sabi ng nanay, Nah, yadtu, na limaksu, nakapaguy! Habulin ninyo! Humabol daw pati nanay.
Salma: Ganun?
Sitti: Nakita ng mga kapitbahay. Kasi tanghali. Lisag hangpu tagduwa.
Salma: Twelve o’ clock ng tanghali?
Sitti: Oo. Tanghaling tapat.
Salma: Hindi makatakbo para habulin dahil nakahubad.
Sitti: Sabi daw ng nanay nung rapist, hindi ako aalis dito hangga’t hindi ko makuha ang anak ko. Magkamatayan tayo dito. Sabi pa raw niya kay Fatima, Hoy ikaw gagasahain ka ng anak ko? Bading iyan e. Bading yan! Paano ka gagahasain niyan! Sinabi naman daw ng Mayol, Ay Indah, marih nagkamali kaw, kasi alam ko iyang bata iyan, bantut iyan.
Salma: Ganun?
Inah: Amun pag-identify namu yadtu makabuga sa yadtu. Duun man in chief police ha lawum ha, pag-ubus, biyan baya-baya in PD bihan dumapit. Ha? Tiyawagan sin Gobnol piaig. Nah. Pagpaig nila bihan nag-ig na in pulis katan. Na CVO ra kuman. Hm? Nah. Mas makabuga bang in CVO. Nah, Lost Command. Kanila na katan. In pyutiksunan mga usug. Ang mga gang rape.
Rehamna: Nakakatakot iyong pag-identify nila ng mga rapists.
Inah: Nandoon sa loob ang Chief of Police. Tapos gusto ng PD magkampi sa amin. Na? Tinawagan siya ng Governor. Pinaalis. Pagkaalis nila, nagsialisan na lahat ng pulis. CVO na lang ang natira. Mas nakatakot ang CVO. Kasi Lost Command. Na, kanila na lahat. Ang pinroteksyunan iyong mga lalaki. Iyong nag-gang rape.
Salma: Unu yadtu? In rapists ang protected?
Sitti: Feeling niya ang may proteksiyon doon, iyong nang-gang rape.
Inah: Ang victim walang proteksiyon.
Salma: Sa isang interview ko ang tinawag na endangered, iyong mga nang-rape. Hindi pa iyong na-rape o pamilya ng na-rape.
Sitti: Baliktad yan dito sa Jolo.
Salma: Kahit sa ibang lugar ganyan din. In danger na raw ang mga rapists ngayon kaya tumahimik na sila. Ang galing talaga nila mag-isip.
Inah: Nah!
Salma: Sila pa iyong in danger. Ang mga nang-rape.
Inah: Mga ilang sasakyan ang may baril! Na, kaya kami hindi makakilos. Sige na lang, ipasa-Diyos na lang. Ganun na lang. Hindi namin sila kaya.
Sitti: Kasi kalaban mo gobyerno e.
Inah: Kalaban mo hi mayor, congressman, in kalaban mo gobnol, kalaban mo lahat! Bold mimbil, vice mayor, nah yun kalaban mo. Nah. Biyariin in kalaban mu kanila. In sila mataud sin. Ipapatay hadja pa tau bayaran nila pilak.
Salma: Oo. Totoo.
Sitti: Hangka sasaat dah.
Rehamna: Isang ganyan ka lang.
Inah: Biadtu. Hangkan na bihan. Piyuspun namu na Indah. Gaman lumuag nah. Daing sin kumu.
Sitti: Kaysa raw lumaki, mas gustuhin paniyang lumiit.
Salma: Tapos iyong bata na nakatakbo, hinubaran siya sa loob ng sasakyan o hindi?
Sitti: Parang hindi. Basta bugit butawan dimagan. Dere-deretso, bahala saan papunta.
Inah: Harap papulis ba dimagan?
Sitti: Palawum kabayan. Papasok sa mga kabahayan. Hindi sila nahabol.
Salma: Na-wrong sila kasi hubad na agad sila e. Hindi na sila makatakbo. (Laughter)
Sitti: Nagda-drugs e.
Inah: Nagpapakita na sin kanila. Biya naha-high na katan sadtu.
Salma: Pati driver nagma-masturbate?
Sitti: Bago gumamit [ng babae] mag-drug sila.
Inah: Tapos sinabi nila, laung nila, kiyapilakan. Kiyabayaran sila.
Sitti: Nabayaran daw ng pera.
Salma: Nakatakbo iyong bata, tapos dumiretso sa kanila? Saka nagsumbong.
Rehamna: Hindi. Bale, iyon iyong sa custody ni Mayor.
Salma: A, okay.
Rehamna: Binayaran talaga iyon.
Salma: iyon iyong pinaalis?
Sitti: Pumayag siya kasi hindi siya na-rape.
Rehamna: Kasi may asawa din siya, e. Foreigner, Arabo.
Salma: May asawa iyon?
Rehamna: Oo. Kasi kakauwi niya lang galing Saudi.
Salma: Ilang taon? Nineteen?
Rehamna: Ewan ko, hindi ko maalala kung ilang taon siya, basta ganun ang kuwento. Na iyon siya may asawa siyang Arab. Kaya nga hindi siya na-rape kasi sinabihan niya na buntis siya ng two months.
Salma: A, ganun.
Rehamna: Oo. Ganun iyon.
Salma: Pero hindi totoo.
Rehamna: Pero hindi totoong buntis siya, pero totoong may asawa siya. Iyon din siya ang nag-retract ng kanyang affidavit kasi binayaran siya.
Salma: Pero maganda iyong ang sinabi ni Mayul... bantut iyon rapist?
Sitti: Oo. Sabi ni Mayul Amin, bantut iyan.
Salma: Naku, patay. Patay tayo nito. Tsismis. Teka, bago nangyari iyon, may boypren ka ba?
Fatima: Wala.
Salma: Wala kang nagugustuhan? Iyong totoo ba. Bago nangyari iyon, may nanliligaw sa iyo?
Fatima: Way. May nanliligaw pero ayaw ko.
Sitti: Dedma. Ayaw niya. Haha.
Salma: Hindi mo type?
Sitti: Hindi niya type.
Salma: Ano iyong type mo?
Fatima: Wala.
Salma: Wala. Okay. Pareho tayo. Wala. (Laughter)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento